Pikit, North Cotabato – Nagsagawa ng Spot Inspection ang NAPOLCOM 12 sa mga COMELEC Checkpoint sa Pikit, North Cotabato nito lamang Mayo 5, 2022.
Pinangunahan ni Team Leader Police Inspector III Jeremias Galanto, Jr kasama sina Brian Bingil, Police Inspector II, sa ilalim ng pangangasiwa ni NAPOLCOM12 Regional Director Rodel Calo.
Ang nasabing Spot Inspection sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagkakaroon at pagsasagawa ng PNP-COMELEC Checkpoint sa kahabaan ng National Highway at Brgy. Inug-ug, Pikit, North Cotabato.
Ipinagbigay-alam din ni PMaj Maxim Peralta, Chief of Police ng Pikit MPS ang kanyang plano at aksyon para mas paigtingin pa ang checkpoint operations sa kanilang AOR lalo na ngayong nalalapit na ang araw ng National at Local Elections 2022.
Magkasamang isinagawa nina PMaj Peralta kasama ang NAPOLCOM inspectors ang maikling briefing para sa mga tauhan ng PNP sa mga checkpoint areas sa pangunguna ni PLt Joseph Letigio, Deputy Chief of Police at sa tulong ng mga tauhan ng 1203rd Company ng RMFB-12.
Ang NAPOLCOM 12 Inspectors ay patuloy sa pagsasagawa ng ocular inspection ng mga kagamitan at iba pang mga kinakailangan sa pagsasagawa ng checkpoint operations upang siguruhin na maayos at mahigpit itong naipapatupad.
Source: @Pikit Municipal Police Station PRO 12
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi