PRO1 at DOT, pinatatag ang koordinasyon para sa ligtas na turismo sa Ilocos Region

0
42

Patuloy na pinagtibay ng Police Regional Office 1 (PRO1) at Department of Tourism (DOT) ang pagtutulungan para higit na mapalakas ang kaligtasan at seguridad ng mga lokal at dayuhang turista sa isinagawang pagpupulong noong Nobyembre 4, 2026, ganap na 9:30 ng umaga, sa PRO1 Conference Room, Camp BGen Oscar M. Florendo, Parian, City of San Fernando, La Union.

Pinangunahan ni PGen Rodoldfo S Azurin Jr., (Ret.), DOT Undersecretary, ang aktibidad kasama si PBGen Crisaleo R Tolentino, Regional Director ng PRO1, katuwang ang mga opisyal ng DOT Region 1 at PRO1.

Tinalakay sa naturang briefing ang activation at deployment ng mga Tourism Police Units (TPUs), lokasyon ng Tourism Police Assistance Centers (TPACs), pagtatasa sa seguridad ng mga destinasyong panturismo, at mga insidenteng kinasasangkutan ng mga dayuhang mamamayan.

Binigyang-diin ni USec Azurin ang kahalagahan ng mas matibay na koordinasyon ng PNP, DOT, mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, gayundin ang pagpapalakas ng police visibility, pagbabahagi ng impormasyon at maagap na pagtugon sa mga usaping pangkaligtasan ng mga turista.

Binigyang-diin din ng pagpupulong na mahalaga ang kapayapaan at kaayusan sa pagpapalago ng turismo, paglikha ng oportunidad sa kabuhayan at pagpapaunlad ng ekonomiya.

Bilang pagtalima sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” tiniyak ng PRO1 ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya upang maisulong ang isang ligtas, maayos at tourist-friendly na Ilocos Region.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: https://www.facebook.com/share/p/1A1EBnpzFA/

Leave a Reply