Safe School Orientation Caravan, inilunsad ng Catanduanes PPO; 150 mag-aaral nakibahagi

0
44

Patuloy na pinaiigting ng Catanduanes Police Provincial Office (PPO), sa pamamagitan ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU), katuwang ang Virac Municipal Police Station, ang pagsusulong ng kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng panibagong Safe School Orientation Caravan noong Nobyembre 4, 2026, sa Magnesia National High School sa Virac, Catanduanes.

May kabuuang 150 mag-aaral ang nakilahok sa nasabing aktibidad na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman at kamalayan hinggil sa kaligtasan sa paaralan. Kabilang sa mga tinalakay ang School Safety, I.A.D.D. (Identify, Avoid, Deny, Defend) at Project R.E.A.D.Y. (Resistance Education Against Drugs for the Youth) na naglalayong turuan ang mga kabataan kung paano makikilala at maiiwasan ang mga posibleng panganib at kung paano kikilos sa oras ng emergency.

Binigyang-diin din sa mga talakayan ang kahalagahan ng pagiging mapanuri, pagkakaroon ng tamang pagpapasya, at pagtanggi sa anumang uri ng impluwensiyang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, nabibigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan upang mapangalagaan ang kanilang sarili at makaiwas sa mga sitwasyong maaaring maglagay sa kanila sa panganib.

Sa patuloy na pagsasagawa ng ganitong mga programa, pinagtitibay ng Catanduanes PPO ang pakikipagtulungan nito sa mga paaralan at iba pang sektor ng komunidad upang higit na maprotektahan ang kabataan laban sa krimen, karahasan, at ilegal na droga alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DvFLTiqCj/

Leave a Reply