RD PBGen Babagay, patuloy ang pagmo-monitor sa seguridad at kaayusan ng “Undas 2026” sa Bukidnon

0
75

Patuloy ang pagmo-monitor ng seguridad at kaayusan ni PBGen Nestor C Babagay Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10, na nagsagawa ng inspection sa mga sementeryo sa Bukidnon, kabilang ang Damilag Public Cemetery at Manolo Fortich Public Cemetery, upang siyasatin ang police visibility, suriin ang mga hakbang sa seguridad, at tiyakin ang kahandaan ng mga nakatalagang tauhan, nito lamang Nobyembre 1, 2026.

​Sinuri ni PBGen Babagay, ang kanyang mga tauhan upang tiyakin ang kahandaang tumulong sa mga bumibisita sa sementeryo. Paalala rin nito sa mga kapulisan na maging alerto at panatilihin ang operational readiness. Kasabay nito, hinimok din ang publiko na sundin ang mga pag-iingat sa kaligtasan at iulat ang anumang kaduda-dudang gawain sa pinakamalapit na Police Assistance Desk (PAD).

Ito ay alinsunod sa Focused Agenda ni PBGen Jose Melencio C Naratatez Jr., Chief, PNP, at nananatili ang PRO10 sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan, at sa pagtiyak ng ligtas at maayos na paggunita sa Undas 2026 sa pamamagitan ng patuloy na police visibility at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng pamahalaan na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CoJ1Ci3d5/

Leave a Reply