PRO5, kasalukuyang naka-heightened alert matapos mag-alburoto ang Bulkang Mayon

0
109
Screenshot

Isinailalim sa heightened alert ang buong hanay ng Police Regional Office 5 (PRO5), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Randy Glenn G Silvio, Regional Director, matapos mag-alburoto ang Bulkang Mayon nito lamang 11:53 ng umaga noong October 30, 2026.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot umano sa tatlong kilometro mula sa crater ng bulkan ang ash plume na ibinuga nito na siyang dahilan sa pagtaas ng status ng bulkan sa Alert Level 3.

Dahil dito, agad inatasan ni PBGen Silvio ang lahat ng mga concerned police units at mga kapulisan na manatiling alerto, at tiyakin ang kanilang operational readiness, habang patuloy na nakikipag-ugnayan sa local government units, disaster risk reduction and management offices, at iba pang mga concerned government agencies para sa agarang pagresponde, sakaling lumala ang sitwasyon.

Nakaantabay na rin ang KASUROG Disaster Emergency Assistance Response (DEAR) mechanism, kung saan inihahanda ng PRO5 ang lahat ng mga puwedeng italagang tauhan nito kasama ang mga kagamitan para sa kinakailangang emergency operations, partikular na sa mga lugar na apektado ng mga volcanic hazards.

Pinaiigting na rin ng buong hanay ng PRO5 ang kanilang mga situational monitoring, habang tinitiyak ang sapat na bilang ng mga deployable personnel at response equipment, at isinasaalang-alang ang komunikasyon sa kani-kanilang mga local disaster management counterparts.

Hinimok naman ng PRO5 ang mga residente, lalo na ang mga nakatira malapit sa bulkan at sa mga designated danger zones, na manatiling alerto at sumunod sa mga advisory at safety instructions ng PHIVOLCS at ng kani-kanilang mga local government units upang maiwasan ang anumang aberya kaugnay sa pag-aalburoto ng bulkan.

“The safety and security of our people remain our utmost priority. PRO 5 is ready to respond, assist, and mobilize our personnel whenever and wherever they are needed. We will continue to work hand in hand with our partner agencies and local government units to ensure that appropriate measures are in place to protect our communities (Ang kaligtasan at seguridad ng ating mga mamamayan ang nananatiling pangunahing prayoridad natin. Ang PRO5 ay handang tumugon, tumulong, at magdeploy ng sapat na tauhan saanman at kailanman sila kinakailangan. Patuloy tayong makikipagtulungan sa aming mga katuwang na ahensya at mga lokal na yunit ng pamahalaan upang matiyak na may mga angkop na hakbang na nakalatag para sa proteksyon ng ating mga komunidad),” saad pa ni PBGen Silvio.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1L54fCANti/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply