1,589 PNP personnel ng BCPO, itinalaga sa walong sementeryo sa Baguio City para sa ligtas na “Undas 2026”

0
93

Nagtalaga ng mga personnel ang Baguio City Police Office (BCPO), katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan at mga volunteer group, sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod ngayong Oktubre 31, 2026 para sa ligtas na paggunita ng Undas 2026.

May kabuuang 1,589 kapulisan ang itinalaga sa walong sementeryo sa Baguio City upang magbigay ng seguridad at agarang tulong sa mga mamamayan sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa.

Sa pamamagitan ng pinaigting na koordinasyon, maagap na mga hakbang sa seguridad, at sama-samang paglilingkod, sinisiguro ng BCPO at mga katuwang nitong grupo ang maayos na pagbabantay at pagtugon sa pangangailangan ng publiko sa buong panahon ng Undas.

Patuloy na pinagtitibay ng BCPO ang pangako nitong pangalagaan ang komunidad at maghatid ng maaasahang serbisyong pampulisya upang maging ligtas, maayos, at payapa ang paggunita ng Undas 2026, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Sources: BCPO

https://www.facebook.com/share/p/19k1tJPwTS/?mibextid=wwXIfr https://www.facebook.com/share/p/1FAqmDAydr/)

Leave a Reply