PGen Nartatez, nagsagawa ng inspeksyon sa mga terminal at sa Manila North Cemetery para sa Ligtas Undas 2026

0
103

Personal na nagsagawa ng inspeksyon si PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief ng Philippine National Police (PNP), sa ilang transport terminal at sa Manila North Cemetery noong Oktubre 30, 2026, upang tiyakin ang kahandaan ng kapulisan at ang pinaigting na seguridad para sa paggunita ng Undas 2026.

Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ni PGen Nartatez ang deployment ng mga pulis, kahandaan sa operasyon, at mga ipinatutupad na hakbang sa seguridad sa mga lugar na dinarayo ng publiko. Layunin nitong matiyak ang maayos na pagbabantay, maagap na pagtugon sa mga insidente, at pag-iwas sa mga kriminal na aktibidad sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at bisita sa mga sementeryo.

Nakaangkla ang hakbang na ito sa PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na nagbibigay-diin sa pagpapaigting sa police visibility at maagap na operasyong pangseguridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga pampublikong lugar.

Patuloy na pinagtitibay ng PNP ang pangako nitong pangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng maagap, maayos, at maaasahang serbisyong pampubliko, upang maging ligtas at payapa ang paggunita ng Undas 2026, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/1DuPAycogo/)

Leave a Reply