Nagsagawa ng port inspection at personnel accounting si PBGen Rommel S Batangan, Acting Director ng PNP Maritime Group, bilang bahagi ng maagap na paghahanda para sa Undas 2026 upang suriin ang mga ipinatutupad na hakbang sa seguridad sa daungan at ang kahandaan ng mga tauhan at operasyon bago ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa North Port Passenger Terminal, Pier 4, Tondo, Maynila, noong Oktubre 30, 2026.
Samantala, nagsagawa rin ng formation ang mga tauhan ng PNP Maritime Group sa kanilang Headquarters upang matiyak ang kumpletong presensya, pananagutan, at kahandaan ng bawat tauhan sa pagpapatupad ng Full Alert Status.
Ipinapakita ng mga hakbangin na ito ang matibay na pangako ng kapulisan na higit pang palakasin ang kahandaan sa operasyon at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero sa panahon ng paggunita ng “Undas 2026” na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Maritime Group

