Biliran PPO, nanguna sa isinagawang Inter-Agency Coordination Meeting para sa ligtas

0
672

na selebrasyon ng ‘Undas 2026″

Pinangunahan ng Biliran Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni Police Colonel Alex F Delos Santos, Provincial Director, ang isinagawang Inter-Agency Coordination Meeting katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa seguridad ng selebrasyon ng “Undas 2026” sa buong lalawigan ng Biliran, noong October 29, 2026, sa Camp Private Andres P. Dadizon, Naval, Biliran.

Personal na nanguna si PCol Delos Santos sa naturang meeting na dinaluhan ng mga miyembro ng Provincial Quadstaff at mga representatives mula sa Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, at Department of Public Works and Highways.

Samantala, tinalakay naman ni PLtCol Shevert Alvin L Machete, Deputy Provincial Director for Operations, ang personnel deployment plan ng himpilan para sa paggunita ng “UNDAS 2026.”

Kabilang din sa mga tinalakay ang iba pang mga usaping pang-seguridad at maging ang pagpapatupad ng mga coordinated response measures upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng selebrasyon.

Sa pamamagitan ng matibay na inter-agency cooperation, tinitiyak ng Biliran PPO, katuwang ang lahat ng mga concerned partner agencies, ang maayos, payapa at ligtas na selebrasyon ng “Undas 2026,” sa buong lalawigan alinsunod sa hangarin ng PNP na  “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/18EkkLUTi9/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply