Buhangin, Davao City – Nagsagawa ng Regionwide Conference ang Police Regional Office 11 para mga Muslim Leaders upang maisulong ang Secure, Accurate, Free/Fair Elections, sa Hinirang Conference Room, Camp Quintin M Merecido Buhangin, Davao City, nito lamang Mayo 5, 2022.
Pinangunahan ni PBGen Edgar Alan Okubo, Deputy Regional Director for Administration, PRO 11 bilang kinatawan ni PBGen Benjamin Silo Jr, Regional Director ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga lider ng mga grupo ng kapatid na Muslim sa Davao Region.
Layunin ng nasabing aktibidad na bigyan ng kaalaman at maipaliwanag sa kanila ang maaaring dalang panganib sa mga election areas sanhi ng mga election-related incidents bagamat epektibo ang isinasagawang Anti- Criminality Campaign ng PRO 11 sa pagpapanatili ng peace and order situation sa rehiyon sa gitna ng dumaraming political rallies at caravans.
Kabilang din sa mahalagang tinalakay ang rules and regulations ng COMELEC Resolution No. 10728 (Gun Ban) sa panahon ng election period.
Inihayag naman ni Commissioner Dalisay Macadawan ng National Commission on Muslim Filipinos for Women Sector ang pagbibigay halaga at papuri sa PRO 11 sa pagkakaroon ng nasabing aktibidad dahil ito ang kanilang unang pagkakataon na maging bahagi ng paghahanda para sa NLE 2022.
Binigyang-diin din ni Commissioner Macadawan na ito ay isang indikasyon lamang ng magandang ugnayan sa pagitan ng PNP at Muslim at nagbigay ng katiyakan na sila ay lalahok at makikipagtulungan para sa Secure, Accurate, Free/Fair 2022 Elections.
Panulat ni PCpl Mary Metche A Moraera