Nagsagawa ng Duterte Legacy BARANGAYanihan Caravan sa tatlong (3) barangay sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur, na aktibong nilahukan ng kapulisan mula sa Himpilan ng Pulisya ng Lagonoy sa pangunguna ni PMaj Romeo T Ranara, OIC, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lagonoy sa pangunguna ni Mayor JB Pilapil, opisina ng DILG sa pangunguna ni Gng. Angie Priolo, at si Bb. Marygizelle B. Mesa na kinatawan ng DSWD Region 5. Nakiisa din ang KKDAT Lagonoy at ang isa sa stakeholder ng Lagonoy PNP, ang grupo ng Scout Royale Brotherhood (SRB Lagonoy) sa pangunguna ni Municipal Kagawad Frederick Abante.
Nagkaroon din ng feeding program sa humigit kumulang 200 na mga bata.
Naging matagumpay ang nasabing programa dahil na rin sa magandang ugnayan ng pulisya at sa mga residente ng naturang barangay.
Bukod pa dito, nabigyan din ng mga food packs ang nasa 100 na benepisyaryo mula sa tatlong (3) barangay na pinagkaloob mula sa DSWD Region 5.
Sa nasabing aktibidad, ipinagbigay-alam sa mga dumalo ang mga programang naisagawa ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Bukod dito, ang programa ay isinagawa upang maiparamdam sa mga residente na ang gobyerno ay patuloy na kumikilos upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Layunin ng Duterte Legacy BARANGAYanihan Caravan na maipaabot sa lahat ng mamamayan ang tulong ng pamahalaan at malaman ang kanilang mga suliranin upang ito ay mabigyan ng solusyon ang mga nakakasakupan ng bawat ahensya ng gobyerno.
####
Artice by Patrolman Christopher D Ignacio