PNPACAT 2026 Team, nag-courtesy call sa Provincial Director ng Davao Oriental PPO

0
214

Nagsagawa ng courtesy call ang bumubuo ng Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPACAT) 2026 team sa pamunuan ng Davao Oriental Police Provincial Office sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Joseph A. Fajardo Jr., Provincial Director, sa Mati, Davao Oriental, noong Oktubre 24, 2026.

Ang naturang pagbisita ay may kaugnayan sa pagsusulong ng Cadet Admission Test 2026 ng PNPA sa Davao Oriental sa pamumuno nina PLtCol Gabriel A Unay, Chief Examiner, at PMaj Stephen Rae S Sillador, Chief Proctor, kasama ang mga kadete, upang pangasiwaan ang mga kaugnay na aktibidad para sa PNPA CAT at ipakilala sa mga kabataan ang oportunidad na maging bahagi ng susunod na henerasyon ng mga opisyal ng pulisya.

Ipinapakita ng aktibidad ang pakikipagtulungan ng PNPA upang maisakatuparan nang maayos ang pagsusulit at masuportahan ang proseso ng pagpili ng mga kwalipikadong aplikanteng nagnanais maging bahagi ng organisasyon na may layuning palakasin ang koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan at maisulong ang tapat at maayos na proseso ng pagpasok sa akademya na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

https://www.facebook.com/share/p/1UnN7j6ubZ/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply