Ajuy, Iloilo – Namahagi ang mga tauhan ng Iloilo PNP at AFPSLAI ng relief goods sa mga residente na biktima ng bagyong Agaton sa Barangay Pinantan Diel, sa bayan ng Ajuy, Iloilo nitong Mayo 4, 2022.
Ang nasabing relief operation ay pinangunahan ng Iloilo Police Provincial Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Adrian Acollador, Provincial Director, katuwang ang Armed Forces and Police Savings and Loans Association, Inc. (AFPSLAI) sa pangunguna ni Ms. Lallaine Husayan, Marketing Specialist.
Nakapagpamahagi ng mga relief goods at gift packs sa higit 150 na pamilya sa nasabing bayan na lubos na naapektohan sa pananalasa ng naturang bagyo.
Ang naturang aktibidad ay suportado naman ng Police Regional Office 6 sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division sa pangunguna ni Police Major Terence Paul Santa Ana sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Flynn Dongbo, Regional Director, at ng Provincial Community Affairs and Development Unit sa pangunguna naman ni Police Lieutenant Colonel Jojo Tabaloc.
Ang buong himpilan ng Philippine National Police sa pamumuno ni Police General Dionardo Carlos kasama ang mga stakeholders, ay buong pusong nakatuon sa paghahatid ng serbisyo publiko at pagbabahagi ng tulong sa lahat ng Pilipino sa kahit anumang oras.
###