Davao City – Matagumpay ang isinagawang Simultaneous Multi-Agency Send-off Ceremony for Security Forces ng Police Regional Office 11 para sa nalalapit na National and Local Elections 2022 sa Parade Ground, Camp Sgt. Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City, nito lamang Mayo 4, 2022.
Ito ay binubuo ng 580 tauhan mula sa PNP-PRO11, 40 tauhan mula sa Philippine Coast Guard (CG), at 100 tauhan mula sa 10th Infantry Division, Philippine Army (PA) na siyang naatasang magbantay sa nalalapit na halalan sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon ng Davao.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad si Atty. Michael Abas, Regional Election Director, COMELEC XI na siyang tumanggap sa mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang magsilbi sa nalalapit na halalan sa pangunguna nina PBGen Benjamin Silo Jr, Regional Director, PRO11; MGen Nolasco Mempin, PA, Commander, 10th ID (Agila Division); Commodore Agapito Bibat, Commander, Coast Guard District Southeastern Mindanao; at Director Allan Farnazo, CESO IV, RD, DepEd XI.
Ang nasabing send-off ceremony ay alinsunod sa adhikain at pagsisikap ng pamahalaan na magkaroon ng ligtas, payapa at malinis na National and Local Elections 2022.
Kasabay nito ay isinagawa rin ang pagbubukas ng National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) at Regional Monitoring and Action Center (REMAC) sa Sambisig-Tagapagkalinga Hall na magbibigay daan sa PRO11 upang makapaghatid ng real-time situation update sa mga pangyayari sa mismong lugar ng pagbobotohan at upang masubaybayan maging ang paghahatid ng mga counting machine sa iba’t ibang polling centers at matukoy ang mga puwersang nakatalaga sa mga polling centers.
###
Panulat ni Patrolman Preal Cris Edosma