Indanan, Sulu – Arestado ang dalawang lalaki sa ilegal na pagsusugal sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation ng Indanan PNP sa Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu noong Mayo 4, 2022.
Kinilala ni PMaj Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan Municipal Police Station ang mga suspek na sina Eisa Nashtain Edjirae, 46 at Arwemar Kahal Alhari, 29 na parehong residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Sapa, naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng baraha na kung tawagin ay “Balasa/Munti”. Nakumpiska mula sa mga suspek ang ebidensya na ginamit; 36 pirasong playing cards sa posesyon ni Edjirae, 4 na pirasong playing cards sa posesyon ni Alhari, at Php610 na pinaniniwalaang gambling money.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Indanan MPS ang mga suspek para sa dokumentasyon at disposisyon.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia