Wednesday, November 20, 2024

23 anyos na lalake patay matapos pinagtripang bugbugin sa Pontevedra, Neg Occ

Pontevedra, Negros Occidental– Natagpuan na lamang na duguan at wala ng buhay ang isang 23 anyos na lalake sa gilid ng Provincial Road sa Hacienda Carmen, Barangay DSB sa bayan ng Pontevedra, Negros Occidental bandang 1:00 ng madaling araw nitong Lunes, Mayo 2, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Rowell Peniero, Deputy Chief of Police ng Pontevedra Municipal Police Station, ang biktima na si Jerry Eduardo, 23, residente ng Sitio Pinabalunan, Brgy. Antipolo sa parehong bayan.

Ayon kay Police Lieutenant Peniero, nakatanggap sila ng tawag na may biktima ng hit and run sa lugar na agad namang pinadalhan ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at dinala sa ospital.

Ayon pa sa imbestigasyon, papunta sana ang biktima sa bahay ng kanyang kasintahan na isang LGBT sa RSB sa La Carlota City nang gabi bago nangyari ang insidente upang magpunta sa lamay. Papauwi na sana ang biktima ng napagtripan ito ng di pa nakikilalang grupo. Nakatanggap ang biktima ng mga sugat sa ulo at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan habang pilay naman ang kaliwa nitong paa. Pinagpapalo ang biktima ng matigas na bagay hanggang sa malagutan ito ng buhay sa mismong lugar na kung saan siya natagpuan.

Dagdag pa ni Police Lieutenant Peniero, bago pa namatay ang biktima ay nakapagkwento pa ito sa kanyang kapatid na babae na pinagtripan siya at binugbog ng mga di pa nakilalang mga suspetsado.

Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ng mga kapulisan ang motibo ng nasabing krimen at ang pagkalap ng mga ebidensya at impormasyon sa mga hindi pa nakikilalang kriminal.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles