CPNP Nartatez, pinuri ang lingguhang operational accomplishments ng Pambansang Pulisya

0
179

Pinuri sa isinagawang Traditional Monday Flag Raising Ceremony ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., ang matagumpay na 3-Day Transport Strike, inilatag ang pagpapaigting ng seguridad sa Masskara Festival 2026, tagumpay kontra kriminalidad, smuggling at serbisyo publiko na ginanap sa harap ng PNP National Headquarters Building sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang Lunes, Oktubre 5, 2026.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni PGen Nartatez ang maayos at mapayapang 3-Day Transport Strike, at nagbigay pugay sa dedikasyon ng kapulisan sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuters sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Ibinida rin ni CPNP Nartatez ang kabuuang Php122M halaga ng hinihinalang smuggled items na nakumpiska mula September 30 hanggang Oktubre 1, 2026.

Samantala, na iturn-over na sa Bureau of Immigration ang nasa 130 foreign nationals na naiulat na may labor at immigration concerns sa Zamboanga Sibugay at ang pagka-rescue sa pitong biktima at pagka-aresto ng tatlong facilitators na kinasasangkutan ng Australian Nationals dahil sa timely information sharing at koordinasyon ng mga law enforcement agency.

Nagpahayag din ng pakikiisa ang PNP sa Tourism industry, na kung saan umakyat sa ika-57 puwesto ang Pilipinas sa 2026 Travel and Tourism Development Index ng World Economic Forum, na sumasaklaw sa 110 ekonomiya.

Nasa 3,000 police naman ang ikinalat upang magbigay ng seguridad at mapanatili ang kaayusan sa pagdiriwang ng Masskara Festival 2026 sa Bacolod City.

Inatasan naman ni PGen Nartatez ang lahat ng Commander ng PNP: “Know your areas, coordinate with your partners and anticipate problems before they become incidents. Do your job and do it right. Let us continue building a “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply