Navotas City – Tinatayang Php374,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek kasama ng isang baril sa buy-bust operation ng Navotas City PNP nito lamang Martes, Mayo 3, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dexter Ollaging, Station Commander ng Navotas City Police Station ang mga suspek na sina Eduardo Monroy alyas “Pipoy”, 31 at Robelyn Nicandro y Rocela alyas “Belen”, 29 at pawang mga residente ng Lungsod ng Navotas.
Ayon kay PCol Ollaging, bandang 10:42 ng gabi naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Badeo 4, Barangay San Roque, Lungsod ng Navotas ng mga operatiba ng Navotas CPS at PDEA.
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 55 gramo at tinatayang Php374,000 ang halaga, isang blue sling-bag, isang baril, at isang piraso ng magazine na naglalaman ng limang pirasong bala, isang black digital weighing scale, isang green tickler, at limang Php100 na ginamit bilang buy-bust money, at isang Php500.
Tiniyak ni PCol Ollaging na ang PNP ay lalong magiging istrikto sa pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa kaligtasan, at kapayapaan ng mamamayan at komunidad.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos