Nakumpiska ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang humigit-kumulang 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php1.02 milyon at naaresto ang isang 45 anyos na indibidwal sa isang buy-bust operation sa Brgy. Maharlika Village, Taguig City, noong Setyembre 14, 2026.
Isinagawa dakong alas 10:30 ng gabi ang operasyon ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD), sa koordinasyon ng Sub-Station 7 ng Taguig City Police Station, sa harap ng Salman Motorshop sa Mindanao Avenue. Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at isang puting Android phone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Matapos ang operasyon, isinailalim siya sa kaukulang dokumentasyon at proseso para sa paghahain ng mga kasong naaayon sa batas.
Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. at alinsunod sa PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO), patuloy na paiigtingin ng NCRPO ang mga anti-illegal drug operations sa Metro Manila upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng mga komunidad.
Source: NCRPO (https://www.facebook.com/share/p/19HSQdTvJN/)

