PNP at US-HSI, pinaigting ang ugnayan kontra transnational crimes

0
46

Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) at United States Department of Homeland Security Investigations (US-HSI) ang kanilang ugnayan sa pagtugon sa transnational crimes, partikular sa human trafficking at online sexual abuse and exploitation of children. Isinagawa ito sa courtesy visit ni Mr. Stephen James Richardson, Attaché ng U.S. HSI, kay PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. noong Setyembre 15, 2026, sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng mas malawak na information sharing, investigative cooperation, capability development, at koordinadong pagkilos upang maprotektahan ang mga biktima at mapanagot sa ilalim ng batas ang mga sangkot sa naturang krimen. Sa pamamagitan ng mas matibay na law enforcement cooperation, layunin ng dalawang panig na higit pang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga krimeng tumatawid sa mga hangganan ng bansa.

Bahagi ang pagpapalakas ng ugnayang ito ng patuloy na pagsusulong ng PNP sa international law enforcement cooperation, alinsunod sa PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO). Sa pagpapatibay ng partnership at police operations, patuloy na isinusulong ng PNP ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/1DY1uuVYVn/)

Leave a Reply