Iriga City, Camarines Sur – Arestado ang Number 6 Most Wanted Person (City Level) sa kasong 2 counts of Child Abuse sa manhunt operation ng Iriga City PNP nito lamang Linggo, Mayo 1, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Carl Joseph Jaucian, Officer-in-Charge ng Iriga City Police Station, ang suspek na si “Amiel”, 30, beautician at residente ng Zone 1, Barangay San Antonio, Iriga City, Camarines Sur.
Ayon kay PLtCol Jaucian, bandang 6:20 ng umaga naaresto si Amiel sa Zone 6, Barangay Sagrada, Buhi, Camarines Sur ng mga tauhan ng Iriga City Police Station.
Ayon pa kay PLtCol Jaucian, si Amiel ay nahuli sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts of Child Abuse sa paglabag sa Section 5 (b), Article III at may nirekomendang piyansa na Php200,000 bawat isang kaso.
Source: Iriga City Police Station
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia