Panabo, Davao del Norte – Inihain ng Sto. Tomas PNP ang Warrant of Arrest sa isang BJMP detainee sa kasong Acts of Lasciviousness at 2 Counts of Rape sa BJMP-Salvacion, Panabo City, Davao del Norte, nito lamang Lunes, Mayo 2, 2022.
Ayon kay PMaj Rodante Frias Varona, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon, ang nasabing detainee ay kinilalang si Ronald Limin Galvez, 49, residente ng Brgy. Pantaron, Santo Tomas, Davao del Norte.
Ayon pa kay PMaj Varona, si Galvez ay tinaguriang Top 3 Most Wanted Person Municipal Level sa Davao Del Norte.
Patuloy naman ang pamunuan ng Police Regional Office 11 sa patnubay ni Regional Director, PBGen Benjamin Silo Jr. sa paghuli sa mga taong lumabag sa batas upang mapanagot ang mga ito at maging ligtas ang mga mamamayan sa rehiyon.
###
Panulat ni PCpl Mary Metche A Moraera