Pinaigting ng Norala Municipal Pilice Station (MPS) ang kahandaan at kakayahan ng mga security personnel sa pagtugon sa iba’t ibang emergency situation sa pamamagitan ng isang seminar.
Nagsagawa ng Emergency Response Seminar ang Norala MPS upang paigtingin ang pagtugon sa iba’t ibang emergency situation ng Raiser Manpower and Allied Services noong Setyembre 5, 2026 sa Notre Dame of Marbel University, Zone 3, Koronadal City, South Cotabato.
Tinalakay sa naturang seminar ang mahahalagang paksa tungkol sa Safety and First Aid, Disaster Preparedness, Fire and Earthquake Safety, Emergency Response, at Building Emergency Evacuation Planning.
Naging resource speaker sa aktibidad si PSSg Mark Oliver D. Dela Cruz ng Norala Municipal Police Station, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay upang matulungan ang mga security personnel na maging mas handa sa oras ng emergency.
Layunin ng seminar na mapahusay ang kakayahan ng mga security guard sa maagap at wastong pagtugon sa mga insidente, partikular sa mga sitwasyong maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng kahandaan, pagiging mapagmatyag, at agarang pagtugon bilang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan at proteksyon ng komunidad na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.



