Php1.15M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng EPD; suspek, arestado

0
24

Arestado ang isang mekaniko at nasabat ang tinatayang Php1.15 milyong halaga ng hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Eastern Police District sa ikinasang operasyon sa kahabaan ng Kaayusan Street, Brgy. Manggahan, Pasig City nito lamang Sabado, Setyembre 5, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Officer-In-Charge ng National Capital Region Police Office, nadakip ang suspek na isang mekaniko habang nakatakas ang kasama nito at narekober ang nasa walong heat-sealed sachets at knotted plastic wraps na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 170.08 gramo na nagkakahalaga ng Php1,156,544.

Kasong pagalbag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

“This operation shows what vigilance looks like even on a routine assignment, said. Every gram intercepted is a transaction disrupted before it reaches our streets, our schools, our homes. We will not let up until every corner of this city is accounted for”( Ang operasyong ito ay nagpapakita kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging mapagmatyag, kahit sa isang karaniwang tungkulin” “Ang operasyong ito ay nagpapakita ng tunay na kahulugan ng pagiging mapagmatyag, kahit sa pagsasagawa ng karaniwang tungkulin. Bawat gramo ng ilegal na droga na nasasabat ay nangangahulugang isang transaksyong napipigilan bago pa ito makarating sa ating mga lansangan, paaralan, at tahanan. Hindi kami titigil hangga’t hindi namin natitiyak ang seguridad sa bawat sulok ng lungsod), saad ni PBGen Abrahano.

Source National Capital Region Police Office

Leave a Reply