Matagumpay na nakiisa ang mga tauhan ng 4th Mobile Force Platoon (MFP), 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (1st CPMFC), sa National Simultaneous School Safety Drill na isinagawa noong Setyembre 3, 2026, sa Lakambini Elementary School, Lakambini, Tuao, Cagayan.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ang mga tauhan ng Information and Education Campaign (IEC) at lecture para sa mga mag-aaral hinggil sa wastong safety measures at nararapat na gawin sa panahon ng emergency, partikular sa posibleng active threat o attack incident sa loob ng paaralan.
Tinalakay sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pananatiling kalmado, pagsunod sa mga tagubilin ng mga guro at school authorities, pagpunta sa mga itinalagang ligtas na lugar, at pagbibigay-prayoridad sa sariling kaligtasan sa oras ng emergency. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng kooperasyon, disiplina, at maayos na koordinasyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Patuloy ang 1st Cagayan PMFC sa pagsasagawa ng mga programa at aktibidad na naglalayong palakasin ang kahandaan, kamalayan, at pagtugon ng mga mag-aaral at school personnel sa anumang posibleng insidente, bilang bahagi ng adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP 1st Cagayan PMFC



