Patikul, Sulu – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa Patikul, Sulu noong Abril 30, 2022.
Malugod na tinanggap ni PLt Abdil-Khan Ahadain, Officer-in-Charge, Patikul Municipal Police Station, ang loose firearm na isinuko na isang yunit na Revolver .38 na may serial number 1570.
Ito ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra loose firearm at para na rin sa pinaiiral na gun ban kaugnay sa papalapit na halalan.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Patikul MPS ang nasabing baril para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Patuloy naman na nagpapaalala ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa mga gun owners na siguruhing may kaukulang dokumento ang mga baril na pagmamay-ari nila, gayundin ang istriktong pagsunod sa umiiral na gun ban para sa nalalapit na halalan.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia