Cavite – Timbog sa Cavite ang Top 1 Most Wanted Person na may nakabinbin na kasong murder sa manhunt operation ng Las Piñas City PNP nito lamang Linggo ng hapon, Mayo 1, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang akusado na si Jayson Manlapat y Yacat alyas “Justine”, 35, at nagtatrabaho bilang meat vendor.
Ayon kay PBGen Macaraeg, dakong alas- 5:00 ng hapon nahuli si Manlapat sa Green Gate Homes Phase 2, Malagasang 2-B, Imus Cavite ng mga operatiba ng Warrant at Subpoena Section at SIDMS ng Las Piñas CPS sa bisa ng Warrant of Arrest na walang inirekomendang piyansa.
“Gusto kong purihin ang ating mga operating unit para sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkahuli sa Las Piñas Top 1 Most Wanted, ito ay nagpapakita lamang na ginagawa ng ating mga tauhan ang kanilang trabaho sa paghuli ng mga indibidwal na kabilang sa listahan ng mga wanted,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos