Oriental Mindoro 2nd PMFC, tumulong sa pagtatayo ng pansamantalang tulay sa Bongabong, Oriental Mindoro

0
60

Walong araw matapos ma-rescue ang 15 mga guro na na-stranded sa biglaang pag-apaw ng Bongabong River, muling bumalik ang mga tauhan ng Oriental Mindoro 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), sa Sitio Naswak, Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro, nito lamang August 28, 2026, katuwang ang Philippine Army, mga local government officials, barangay officials, at mga residente para sa muling pagtatayo ng temporaryong tulay sa nasabing komunidad.

Pinangunahan ang naturang inisyatiba ng mga tauhan ng Oriental Mindoro 2nd PMFC sa pamumuno ni PLtCol Israel Cisco T. Magnaye, Force Commander, kasama ang mga tauhan ng 74th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division, Philippine Army, mga miyembro ng Local Government Unit of Bongabong, Barangay Lisap officials, at mga residente.

Matatandaang nasira ang orihinal na tulay na gawa sa kawayan noong August 20 nang biglang umapaw ang naturang ilog sanhi ng pagka-stranded ng mga residente na nakatira sa Sitio Naswak upang makapunta sa mga pangunahing lugar sa nasabing bayan.

Nauna nang na-rescue ang 15 guro ng Naswak Elementary School na na-stranded din sa lugar dahil sa pagkasira ng nasabing tulay.

Tulong-tulong na itinayo ng grupo ang panibagong temporary bridge para may pansamantalang madaanan ang nasabing mga residente, partikular na para sa kanilang araw-araw na pangkabuhayan patungo sa iba pang mga pangunahing lugar sa Bongabong.

Pinuri naman ni PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Christopher R. Dela Cruz ang nasabing mga personnel, maging ang mga kasundaluhan, mga local officials, at mga residente sa pakikiisa upang maitayong muli ang nasabing tulay.

“Our responsibility does not end when the rescue is over. When our communities need help getting back on their feet, we should be there with them” (Hindi nagtatapos ang ating responsibilidad kapag natapos na ang pagsagip. Kapag nangangailangan ng tulong ang ating mga komunidad upang makabangon muli, nararapat na nariyan tayo upang makiisa at tumulong sa kanila), pahayag pa ni PBGen Dela Cruz.

“What happened in Naswak shows what can be done when the police, military, local government, and community work together. Everyone had a part in helping restore a basic need of the people—a safe way to get home” (Ipinakita ng nangyari sa Naswak kung ano ang maaaring makamit kapag nagtutulungan ang pulisya, militar, lokal na pamahalaan, at komunidad. Bawat isa ay may ginampanang bahagi sa pagtulong na maibalik ang isang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan—isang ligtas na daan pauwi),  dagdag pa niya.

Alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” aasahan pa ng publiko ang patuloy na suporta at pakikiisa ng Pambansang Pulisya upang makapaghatid ng agarang tulong sa lahat ng mga nangangailangang residente, hindi lamang sa usaping pangkapayapaan at seguridad, kundi maging sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Source: https://www.facebook.com/share/v/1bp1wvvZ1a/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply