Project R.T.T. ng PRO6 nakapagtala ng 16 loose firearms sa loob lamang ng 24 oras

0
34
Screenshot

Patuloy na nagbubunga ng positibong resulta ang Project R.T.T. (Restrict, Track, and Turn-in) ng Police Regional Office 6 (PRO6), matapos ma-account ang 16 loose firearms sa loob lamang ng 24 oras sa Western Visayas, mula 6:00 AM ng Agosto 25 hanggang 5:59 AM ng Agosto 26, 2026.

Batay sa Regional Operational Accomplishment Report ng PRO6, 11 sa mga naturang baril ang kusang isinuko, habang lima ang nakumpiska sa 17 operasyong isinagawa ng iba’t ibang police unit. Nagresulta rin ang mga operasyon sa pagkakaaresto ng apat na indibidwal.

Nakapagtala rin ang PRO6 ng tatlong explosives na nakumpiska o narecover sa magkakahiwalay na operasyon, dalawa mula sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO) at isa mula sa Capiz Police Provincial Office (CPPO).

Binigyang-diin ni PRO6 Regional Director PBGen Randulf T Tuaño na ang patuloy na pagsuko ng loose firearms ay malinaw na indikasyon ng lumalakas na tiwala at suporta ng publiko sa kampanya ng kapulisan laban sa mga ilegal at hindi dokumentadong armas.

“Ang patuloy na positibong resulta ng Project R.T.T., partikular ang kusang pagsuko ng mga loose firearms, ay nagpapakita na nakukuha natin ang tiwala at suporta ng ating mga kababayan. Mahalaga ang kanilang pakikipagtulungan upang tuluyan nating maalis sa mga komunidad ang mga armas na maaaring magamit sa krimen at iba pang karahasan,” pahayag ni PBGen Tuaño.

“Sa ilalim ng Project R.T.T., sabay nating isinusulong ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at mas malawak na pakikipag-ugnayan sa komunidad. Ang bawat baril na kusang isinusuko ay hindi lamang dagdag sa ating accomplishment—ito ay isang potensyal na banta na naaalis sa ating mga barangay at isang konkretong hakbang tungo sa mas ligtas na Western Visayas,” dagdag pa ng Regional Director.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng Project R.T.T., at aktibong pakikiisa ng publiko, isinusulong ng PRO6 ang adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1FQJPVE5ih/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply