18 Wanted Person, arestado ng PRO6 sa loob ng 24 oras na operasyon sa Western Visayas

0
963
Screenshot

Labing-walong wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa loob ng 24 oras sa pinaigting na manhunt operations sa buong Western Visayas.

Batay sa Regional Operational Accomplishment Report ng PRO6, nasa kabuuang 19 operasyon ang naisagawa ng iba’t ibang police units laban sa mga wanted person simula alas 6:00 AM ng Agosto 25 hanggang 5:59 AM ng Agosto 26, 2026.

Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 17 ang Other Wanted Persons (OWPs), habang isa naman ang kabilang sa Top Ten Most Wanted Persons (TTMWP).

“Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations sa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, mabilis na koordinasyon, at maagap na pagkilos upang matunton ang mga wanted person at matiyak na mahaharap sila sa pananagutan sa ilalim ng batas,” pahayag pa ni PBGen Randulf T Tuaño, PRO6 Regional Director.

“Hinihikayat din natin ang ating mga kababayan na patuloy na makipagtulungan sa PNP. Ang anumang mapagkakatiwalaang impormasyong makatutulong sa pagtunton sa mga wanted person ay malaking ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating mga komunidad,” dagdag pa niya.

Ang mga pag-aresto ay bahagi ng tuloy-tuloy na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa Western Visayas bilang pagtalima sa hangarin ng Pambansang Pulisya alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1WkaE4tL8w/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply