Nangako si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na makatatanggap ng tulong ang pamilya ng tatlong (3) pulis na nasawi habang tumutupad sa tungkulin sa Antique at Naga City, Camarines Sur.
Binigyang-pugay ni PGen Eleazar si Police Staff Sergeant Elvin Agting na nasawi sa police operation sa Bugasong, Antique noong Oktubre 15; at sina Police Chief Master Sergeant Romeo Padua at Police Corporal Christian del Valle, na pawang nasawi sa Naga City noong Oktubre 16.
“On behalf of the men and women of the Philippine National Police, I express my deepest condolences to the family of Police Staff Sergeant Elvin Agting, Police Chief Master Sergeant Romeo Padua and Police Corporal Christian del Valle for their ultimate sacrifice in the performance of their duty as police public servant,” pahayag ni PGen Eleazar.
“This is a sad weekend for police service, for the PNP as we grieve the death of three of our brothers in uniform. We are proud of their service to the Filipino people and we salute them for their sacrifice,” dagdag pa ng hepe.
Si PSSg Agting na napatay matapos mabaril ng suspek na si Roy Jalipa na aarestuhin sana dahil sa pagpatay nito sa isang 60-anyos na kagawad ng barangay na si Efren Florendo.
Nasawi naman si Jalipa matapos gumanti ng putok ang iba pang pulis sa operasyon.
Nasawi naman si PCMS Padua habang nagpapatrolya sa kahabaan ng Caceres Street sa Barangay Dinaga ng Naga City. Tinamaan siya sa likod ng metal pipe ng suspek na si Jericho Cano.
Nang mawalan ng malay si PCMS Padua, kinuha ni Cano ang kanyang baril at binaril ang pulis sa ulo.
Matapos makatanggap ng report hinggil sa insidente ng pamamaril, agad rumesponde si PCpl del Valle ngunit binaril siya ng suspek nang makasalubong ito.
Nagsagawa ng follow-up operation ang PNP Naga na nagresulta naman sa pagkamatay ni Cano.
Ito ay patunay lamang ng sakripisyo at matinding panganib na hinaharap ng kapulisan sa araw-araw upang ipatupad ang batas at matiyak ang kaligtasan ng lahat, ayon kay PGen Eleazar.
“Makakaasa ang kanilang pamilya ng lahat ng tulong mula sa amin. Saludo ang buong hanay ng PNP sa kanilang ipinakitang dedikasyon sa paglilingkod para sa ating mga kababayan,” ani PNP Chief.
#####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche