Basic Drone Operation Seminar, isinasagawa ng PRO3 para palakasin ang police capability

0
48

Sinimulan ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang tatlong-araw na Basic Drone Operation Seminar ngayong Agosto 24, 2026 sa PRO3 Patrol Hall, Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga upang higit na mapalakas ang kakayahan at kahandaan ng mga tauhan sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa police operations.

Nakibahagi sa opening ceremony si PCol Angel L. Garcillano, Deputy Regional Director for Operations ng PRO3, at hinikayat ang mga kalahok na sulitin ang pagsasanay, partikular ang mga praktikal na kasanayang maaari nilang magamit sa aktuwal na operasyon. Layunin nitong mabigyan ang mga personnel ng sapat na kaalaman sa basic drone operations at mas mapahusay ang paggamit ng available technology sa kanilang mga tungkulin.

Bahagi ang naturang training ng patuloy na pagsisikap ng PRO3 na gawing mas moderno, maagap at responsive sa pagtugon sa mga tawag ng serbisyo sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahan ng mga tauhan at wastong paggamit ng teknolohiya, alinsunod sa paninindigan ng PNP na isulong ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 3 (https://www.facebook.com/share/p/1JpSeSTZYQ/)

Leave a Reply