GenSan PNP, tiniyak ang Seguridad at Kaayusan sa Tuna Festival 2026

0
45

Tiniyak ng pamunuan ng General Santos City Police Office ang seguridad at kaayusan kasabay ng pagsisimula ng mga aktibidad para sa Tuna Festival 2026 sa General Santos City nito lamang Agosto 24, 2026.

Lumahok si Police Colonel Ariel B Acala, Officer-In-Charge ng General Santos City Police Office, sa Soft Opening Ceremony ng Tuna Festival 2026, tampok ang makulay na kultura ng General Santos City, lokal na pagnenegosyo, pakikilahok ng komunidad at patuloy na pagdiriwang sa lungsod bilang Tuna Capital of the Philippines.

Sa kanyang pagdalo, muling tiniyak ni PCol Acala ang suporta ng kapulisan sa mga pangunahing aktibidad ng lungsod na nagtataguyod ng turismo, kabuhayan, at pagkakaisa ng komunidad.

Ibinida ni PCol Acala sa GenSan media ang mga isinagawang security preparations at police visibility measures upang matiyak ang kaligtasan, seguridad at maayos na daloy ng aktibidad.

Binigyang-diin din ng General Santos City PNP ang patuloy na koordinasyon nito sa City Government of General Santos, event organizers, partner agencies at iba pang stakeholders upang maisulong ang isang mapayapa at maayos na pagdiriwang para sa mga residente, bisita, vendors at festivalgoers.

Matapos nito, nagsagawa rin si PCol Acala ng inspeksyon sa mga police personnel na itinalaga para sa security coverage ng Tuna Festival 2026 Flea Market. Nakatuon ang inspeksyon sa police visibility, alertness ng mga tauhan, wastong deployment at operational readiness upang mapanatili ang peace and order at public safety sa festival area.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng “Safe and Secured GenSan” initiative ng GenSan Cops, na naglalayong palakasin ang security coordination, police visibility, public order at responsive police service sa mga pangunahing aktibidad at lugar na dinaragsa ng publiko.

Leave a Reply