Agad na sinuri ni PBGen Christopher N. Abrahano, bagong talagang Officer-in-Charge ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang operational readiness ng La Loma Police Station 1 bilang bahagi ng kanyang unang mga aktibidad sa pagsisimula ng kanyang pamumuno noong Agosto 23, 2026, alas 4:00 ng hapon. Kasama niya sa inspeksyon si PBGen Randy Glenn Silvio, District Director ng Quezon City Police District (QCPD).
Layunin ng inspeksyon na personal na masuri ang kalagayan at kahandaan ng mga tauhan sa aktuwal na police station, gayundin ang kanilang kakayahang tumugon sa mga pangangailangan ng komunidad.
Sa unang araw pa lamang ng kanyang pamumuno, ipinakita ni PBGen Abrahano ang kanyang paninindigang maging hands-on sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa mas episyente at responsableng police service.
Ang naturang inspeksyon ay kaakibat ng patuloy na pagsusulong ng PNP sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” tungo sa isang kapulisan na laging handang tumugon at tunay na maaasahan ng mamamayan.
Source: QCPD (https://www.facebook.com/share/p/1HiyssA2VM/)



