Polomolok, South Cotabato – Arestado ang isang Most Wanted Person para sa kasong rape sa isinagawang operasyon ng Polomolok PNP nito lamang Abril 28, 2022.
Kinilala ni PLtCol Virlen Plete Pampolina, Officer-in-Charge ng Polomolok Municipal Police Station ang suspek na si Mark Anthony Tapican y Yangon, 21, walang asawa, isang vendor at residente ng Sampaguita Street, Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato.
Naaresto si Mark Anthony ng Polomolok PNP sa Purok San Francisco, Brgy Poblacion, Polomolok, South Cotabato matapos ihain ang Warrant of Arrest laban sa kanya para sa kasong 2 counts of rape.
Ayon kay PLtCol Pampolina, ang suspek ay nakatala bilang Top 11 Most Wanted Person Municipal Level.
Samantala, ang PNP ay hindi titigil na tugisin ang lahat ng nagkasala sa batas upang panagutin ang mga ito at bigyang hustisya ang mga naging biktima nito.
###
Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal