South Cotabato – Matagumpay na isinagawa ang Bike to vote Safe and for the environment ng South Cotabato Police Provincial Office sa South Cotabato, nito lamang Sabado, Abril 30, 2022.
Ito ay sinimulan mula South Cotabato PPO patungong lungsod ng Koronadal at kahabaan ng diversion road at nagtapos sa Munisipyo ng Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay PCol Nathaniel Villegas, Provincial Director ng nasabing istasyon, ang adbokasiya ay masayang nilahukan ng mga tauhan ng South Cotabato Police Provincial Office.
Sa aktibidad ay malugod na tinanggap ni PCol Villegas at South Cotabato PNP ang lahat ng bikers na nakiisa mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, pribadong sektor at indibidwal, cyclists mula sa iba’t ibang bahagi ng Region 12, pulis at grupo ng iba’t ibang siklista sa kalapit na Lungsod at Munisipyo.
Ang aktibidad na ito ay inorganisa sa pagsisikap ng SCPPO katuwang ang organisasyon at ahensya ng South Cotabato Police Provincial Office Provincial Advisory Group (SCPPOPAG), Koronadal Masonic Lodge No. 209 Free and Accepted Masons, Koronadal Chapter No. 91, at Order of DeMolay and Coalition of Social Development Organization South Cotabato.
Ito ay isang adbokasiya ng pagpapataas ng higit na kamalayan sa tamang pagboto para sa nalalapit na 2022 National and Local Elections sa darating na Mayo 9, gayundin upang magkaroon ng mas marami pang tagapangalaga sa kapaligiran.
###
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi