San Fernando City, La Union – Arestado ang Top 11 Most Wanted Person (City Level) sa kasong paglabag sa RA 7610 sa operasyon ng PRO 1 noong Abril 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jonathan Calixto, Provincial Director ng La Union Police Provincial Office, ang suspek na si Rolly Molina y Servo, 56, may asawa, construction worker, residente ng Brgy. Catbangen, City of San Fernando, La Union.
Ayon kay PCol Calixto, bandang 9:45 ng umaga naaresto ang suspek sa nasabing barangay sa pinagsanib na puwersa ng San Fernando City Police Station, Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 1, Maritime Police Station, La Union Provincial Investigation and Detection Management Unit, La Union Provincial Intelligence Unit, 1st La Union Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Division 1 at Regional Highway Patrol Unit 1.
Ayon pa kay PCol Calixto, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Patuloy na paiigtingin ng PNP ang kampanya laban sa mga Most Wanted Persons para panagutan ang kasalanan at mabigyan ng hustisya ang biktima.
Source: San Fernando City Police Station
###
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco