Personal na dumalo si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa pagdiriwang ng 4th Liberation Anniversary ng Marawi City noong Oktubre 16, 2021.
Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni PGen Eleazar ang security forces at ang mga residente ng Marawi City dahil sa kanilang sakripisyo at pakikipaglaban upang mabawi ang lungsod mula sa kamay ng ISIS-inspired Maute at Abu Sayyaf noong 2017.
“Today, as we remember that moment when Marawi City was declared free from months-long siege of our enemies, the more than 222,000 men and women of the Philippine National Police are with us in honoring those sacrifices,” wika ni PGen Eleazar.
Umabot sa 1,000 katao ang nasawi sa limang (5) buwang giyera sa Marawi City, kabilang dito ang nasa 160 sundalo at pulis, at 47 na sibilyan.
Sa kabila nito, iginiit ni PGen Eleazar na naiwan ang bakas ng tapang at sakripisyo ng ating mga kababayan na lumaban para makamit ang kalayaan at kapayapaan hindi lamang sa Marawi kundi sa buong bansa.
“Sacrifice and courage that transcend religious beliefs, sacrifice, and courage that go beyond cultural borders, and sacrifice and courage that should always remind us that whatever our differences, we are all Filipinos under one flag and one Republic,” dagdag ng hepe.
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kalayaan ng Marawi City mula sa mga teroristang grupo noong Oktubre 17, 2017.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang rehabilitasyon ng pamahalaan sa Marawi City.