Guinayangan, Quezon – Tinatayang Php170,816 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa operasyon ng Guinayangan PNP nito lamang Biyernes, Abril 29, 2022.
Kinilala ni Police Major Eric Veluz, Chief of Police ng Guinayangan Municipal Police Station ang suspek na si Fredielito Macaraig Claveria, alyas “Fred”, 49, residente ng Brgy. Poblacion, Guinayangan, Quezon.
Ayon kay PMaj Veluz, bandang 8:53 ng gabi naaresto si Claveria sa naturang barangay ng mga operatiba ng Guinayangan Municipal Police Station.
Ayon pa kay PMaj Veluz, nakumpiska sa suspek ang dalawampu’t isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may tinatayang timbang na 25.12 gramo na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php170,816.
Kabilang sa nakumpiska ang limang piraso ng tubo ng tubig, dalawang piraso ng gunting, isang piraso ng disposable lighter, anim na unsealed na maliit na plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, isang pirasong maliit na bote ng nail polish remover (improvised source of fire), sampung assorted empty plastic sachets, dalawang piraso ng cell phone pouch; isang piraso ng lambanog bag at isang coin purse.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi tumitigil sa pagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong, bagkus ay makipagtulungan sa ating kapulisan upang makamtan ang mapayapang pamayanan.
###
Panulat ni Police Executive Master Segeant Joe Peter Cabugon