Alcantara, Cebu – Naaresto ng mga awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng Cebu (City Level) sa kasong Murder sa Brgy. Polo, Alcantara nito lamang Biyernes, Abril 29, 2022.
Kinilala ni PLtCol Wilbert Parilla, Officer-in-Charge, CMFC, CCPO ang naaresto na si Jocelyn Codera Abella, 28, residente ng Upper Laguerta, Busay, Cebu City.
Ayon kay PLtCol Parilla, nadakip ang suspek bandang 1:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest sa operasyon na ikinasa ng mga kapulisan sa nasabing lugar.
Ang matagumpay na pagkakahuli ng suspek ay resulta ng maayos na ugnayan at pagtutulungan ng mga miyembro ng Cebu City Mobile Force Company, CCPO, CIDG Mandaue CFU, RIU7, Comptrollership Division Region 7, 300th Air Intelligence Security Wing (PAF) at Consolacion Municipal Police Station.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay isa na namang patunay na ang hanay ng PNP ay patuloy sa kanilang mga hakbangin upang hulihin ang bawat personalidad na may pananagutan sa batas at nang mabigyan ng katarungan ang kahilingan ng kanilang mga naging biktima.
###