Nauwi sa pagkakaaresto ang drug suspek sa isinagawang search warrant operation ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan sa Masbate City noong Agosto 11, 2026, kasunod ng pagkakumpiska ng humigit-kumulang 12.2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P82,960.00 batay sa Standard Drug Price.
Dakong 7:34 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng mga operatiba ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU), katuwang ang Masbate City Police Station (Masbate CPS), Regional Mobile Force Battalion 5, at Regional Police Drug Enforcement Unit, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V. Kinilala ang suspek sa alyas na “John,” 31 anyos.
Nakumpiska mula sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Matapos ang operasyon, agad dinala sa Masbate CPS ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon at legal na proseso, habang isinagawa rin ang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng suspek at mga kinakailangang saksi alinsunod sa itinakdang mga alituntunin.
Bahagi ang operasyon ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Focused Agenda, partikular na ang Enhanced Managing Operations upang higit na mapalakas ang operational effectiveness, intelligence-driven operations, at pagtugon sa mga banta sa peace and order alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N. Miranda, Regional Director ng PRO5, patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng intelligence-driven, coordinated, at community-oriented police operations, katuwang ang PDEA at iba pang law enforcement agencies.
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos
Source: https://www.facebook.com/share/p/19PjDZYqS4/



