Calasiao MPS, tumulong sa pamamahagi ng relief packs sa mga binahang lugar

0
44

Nakibahagi ang mga tauhan ng Calasiao Municipal Police Station (MPS) sa paghahanda at pagbaba ng mga food packs na ipamamahagi sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Calasiao noong Agosto 11, 2026.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Daryl V. Nevado, Officer-in-Charge, tumulong ang mga tauhan ng Calasiao MPS sa Local Government Unit (LGU) ng Calasiao upang matiyak ang maayos at agarang paghahatid ng pangunahing tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.

Ipinakita ng naturang pagtutulungan ang patuloy na suporta ng Calasiao MPS sa mga programa ng lokal na pamahalaan, lalo na sa panahon ng kalamidad, upang matiyak na ligtas, maayos, at napapanahong naipararating ang relief assistance sa mga nangangailangang residente.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng kapulisan sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga komunidad na apektado ng pagbaha.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Calasiao MPS

Leave a Reply