Matagumpay na ipinagdiwang ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang 52nd National Nutrition Month sa pamamagitan ng isang Talent Showcasing activity noong Agosto 12, 2026, sa PRO2 Covered Court. Tampok sa aktibidad ang mga kabataang nagpakita ng kanilang talento, pagkamalikhain at kasiglahan.
Pinangunahan ni PCol Jefferson P. Cariaga, Acting Deputy Regional Director for Operations, ang aktibidad, katuwang sina PCol Alberto A. Calimag, Chief, Regional Community Affairs Development Division (RCADD), at PMaj Baby Rose P. Cajulao, Chief, Community Affairs Section (CAS).
Naging tampok sa programa ang mga natatanging pagtatanghal at malikhaing kasuotan na ipinamalas ng mga kabataan. Bukod sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanila na maipakita ang kanilang mga talento, binigyang-diin din ng aktibidad ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan, aktibong pakikilahok, at paglinang sa kakayahan ng kabataan.
Patuloy namang sinusuportahan ng PRO2 ang mga programang nagtataguyod ng kalusugan, wastong nutrisyon at kapakanan ng kabataan, bilang bahagi ng sama-samang pagsusulong ng isang malusog, aktibo at mas maunlad na komunidad.
Source: PNP Police Regional Office 2



