San Luis, Agusan del Sur – Boluntaryong sumuko ang isang Squad Leader ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Agusan del Sur PNP nito lamang Huwebes, Abril 28, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jovito Canlapan, Acting Provincial Director ng Agusan del Sur Police Provincial Office, ang sumuko na si alyas “King/Dagsa”, 45, magsasaka at residente ng Purok 3, Sta. Rita, San Luis, Agusan del Sur.
Ayon kay PCol Canlapan, bandang 12:20 ng tanghali nang boluntaryong sumuko si alyas “King/Dagsa” sa San Luis Municipal Police Station.
Kabilang nito ang pagsuko ng isang caliber .45 pistol na may Serial No. 2051248.
Ang boluntaryong pagsuko ng isang dating Squad Leader ng CTG ay resulta ng pagpupursigi ng gobyerno katuwang ang PNP na hikayatin ang mga rebeldeng grupo na akapin ang totoong kapayapaan at wakasan ang terorismo.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13