Baco, Oriental Mindoro – Matagumpay ang isinagawang PNP Outreach Program ng mga tauhan ng Baco PNP sa Brgy. Sta. Rosa 2, Baco, Oriental Mindoro nitong Miyerkules, Abril 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Ismael Historillo, Chief of Police ng Baco MPS, kasama ang mga tauhan ng Baco MPS at sa aktibong pakikipagtulungan ng PNP Wives at mga NUP ng Baco.
Kabilang din sa nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Agriculture Office, Bureau of Fire Protection-Baco, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Barangay Officials, Criminology students mula sa Divine Word College of Calapan (DWCC) at Mindoro State University (MinSU).
Ayon kay PCpt Historillo, nasa isang daang Mangyan Community na pamilya at mga bata ang napamahagian ng libreng mga punla ng gulay mula sa Kagawaran ng Agrikultura, at Narra seedlings mula sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Dagdag pa ni PCpt Historillo nagsagawa din ang BFP Baco ng Basic Life Support at Standard First Aid demonstration.
Tinalakay naman ng MDRRMO Baco ang mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng Emergency Response Disaster.
Bukod dito, namahagi din ng food packs at nagsagawa ng feeding activity ang PNP Wives at NUP Baco, at konsultasyon naman sa Women and Children Protection Desk (WCPD).
Layunin ng aktibidad na ito na lalo pang paigtingin at pagtibayin ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng iisang layunin na kung saan ay makakatulong sa ating komunidad.
Source: Baco MPS
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago