DCPO at Davao Region Eagles, lumagda sa MOU para sa mas matatag na ugnayan sa komunidad

0
171

Lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) ang Davao City Police Office (DCPO) at ang Davao Region Eagles tungo sa mas matatag na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at pribadong sektor noong Agosto 6, 2026.

Pinangunahan ni Police Colonel Peter B Madria, City Director ng Davao City Police Office, at ni Eagle Larry Franco ng Davao Region Eagles ang naturang seremonya bilang pagpapakita ng kanilang nagkakaisang adhikain na isulong ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng komunidad.

Layunin ng kasunduan na pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang organisasyon sa pagsasagawa ng 1st City Director’s Cup Shoot at iba pang mga gawaing pangkomunidad na nagtataguyod ng kapayapaan, disiplina, at kaunlaran.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Eagle Larry Franco ang patuloy na dedikasyon ng Davao Region Eagles sa paglilingkod sa komunidad. Ayon sa kanya, ang pakikipag-ugnayan sa kapulisan ay sumasalamin sa iisang layunin na mapaunlad ang mga komunidad, mapalakas ang pagkakaisa, at maisulong ang responsableng pakikilahok ng mamamayan kasabay ng pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.

Nagpasalamat naman si PCol Madria sa Davao Region Eagles sa kanilang walang sawang suporta sa mga programa ng PNP. Aniya, ang nasabing partnership ay nagbibigay ng higit na inspirasyon sa hanay ng kapulisan upang pagbutihin ang kanilang pagtupad sa tungkulin, makamit ang mga itinakdang layunin ng organisasyon, at manatiling tapat sa mga umiiral na alituntunin. Binigyang-diin din niya na ang disiplina, pananagutan, at matibay na pagtutulungan ang mga susi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Lungsod ng Davao.

Leave a Reply