Drug suspect, arestado sa Camarines Norte; Mahigit Php102k shabu at baril, nakumpiska

0
177

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Paracale Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit (CNPDEU), Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU), at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), ang isang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang intelligence-driven Gun Buy-Bust Operation bandang 2:05 ng madaling-araw noong Agosto 6, 2026 sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Mak-Mak,” 26 taong gulang at residente ng Sitio Maligaya, Barangay San Isidro, Antipolo City.

Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang poseur-buyer ng isang hinihinalang .38 caliber revolver na walang trademark at serial number, kasama ang tatlong (3) piraso ng hinihinalang live ammunition.

Kasunod nito, nakumpiska rin mula sa suspek ang buy-bust money, boodle money, isang coin purse, at 21 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 15 gramo at tinatayang Standard Drug Price na Php102,000.00.

Ang pagmamarka, imbentaryo, at pagkuha ng larawan sa mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa alinsunod sa itinakda ng batas at sa harap ng mga kinakailangang saksi mula sa media at isang halal na opisyal ng Barangay Bagumbayan. Ipinaalam din sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng custodial investigation.

Ang operasyon ay isinagawa ng Paracale MPS sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office V, katuwang ang CNPDEU, CNPIU, at CN 2nd PMFC, bilang bahagi sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” partikular na sa kampanya laban sa ilegal na droga at iligal na pag-iingat at pagbebenta ng mga baril sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bayan maging sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply