Php612K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa El Salvador City; suspek, arestado

0
38

Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang Php612,000 halaga ng hinihinalang shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaking suspek sa pagpapatupad ng search warrant sa Zone 4, Barangay Poblacion, El Salvador City, Misamis Oriental, noong Agosto 4, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Al M Abanales, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng El Salvador City Police Station, katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company ng Misamis Oriental Police Provincial Office at PDEA Regional Special Enforcement Team 10 Alpha.

Kinilala ang suspek na si alyas Carlo, 40-anyos, may asawa, at residente ng El Salvador City, Misamis Oriental na nakuhanan ng mahigit kumulang 90 gramo at may Standard Drug Price na Php612,000, iba’t ibang drug paraphernalia kabilang ang mga improvised plastic scoops, aluminum foil strips, at lighters na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isinusulong ng Philippine National Police ang adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” Sa pamamagitan ng mas pinaigting na law enforcement operations, intelligence-driven policing, at mahigpit na pagpapatupad ng batas, ipinakikita ng PNP ang dedikasyon nitong protektahan ang bawat Pilipino laban sa banta ng kriminalidad at ilegal na droga.

Source: PCADG Northern Mindanao

Leave a Reply