Namahagi ng food packs ang mga tauhan ng 1102nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 11 (RMFB 11) bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng programang Adopt-a-Family o “Kapwa Ko, Sagot Ko!” sa Barangay Maniki, Kapalong, Davao del Norte noong Agosto 3, 2026.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng mga tauhan ng 1102nd Maneuver Company sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Charlie P So Jr., Officer-in-Charge, bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa paglilingkod sa komunidad at pagtulong sa mga pamilyang nangangailangan.
Layunin ng programa na makapagbigay ng agarang tulong sa mga benepisyaryong pamilya habang higit pang pinatatatag ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawaing pangkomunidad.
Ang inisyatibang ito ay nakaangkla sa pangunahing agenda ng Chief, PNP at sa prinsipyong “Every Police Officer is a PCR Man,” na nagsusulong ng isang pulis na hindi lamang nagpapatupad ng batas kundi aktibong nakikibahagi rin sa mga programang nagbibigay ng malasakit at serbisyo sa komunidad.



