Php115K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat mula sa isang lalaki sa Davao City; hinihinalang shabu at baril, nakumpiska

0
38

Naaresto ng Davao City Police Office ang isang lalaki na nakumpiskahan ng hinihinalang shabu at baril sa isinagawang magkasanib na buy-bust operation bandang 109 ng madaling-araw noong Agosto 2, 2026, sa Purok 28, POB. City Jail Road, Barangay Maa, Davao City.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Davao City Drug Enforcement Unit (CDEU)City Special Operations Group sa pamumuno ni Police Major Bernie B Suaga, sa pakikipag-ugnayan sa Regional Special Operations Group 11 (RSOG 11), 1st at 2nd City Mobile Force Company, Police Station 16–Ma-a, at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI (PDEA XI).

Bunga ng operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 17 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php115,800.00, gayundin ang isang .45 caliber na baril.

Samantala, pinuri ni Police Colonel Peter B Madria, City Director ng Davao City Police Office, ang mga operatibang nagsagawa ng matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang patuloy na pagpapatupad ng kapulisan ng mas pinaigting at intelligence-driven na kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang anyo ng kriminalidad.

Patuloy na hinihikayat ng Davao City PNP ang publiko na makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Sa pagtutulungan ng kapulisan at komunidad, higit na mapagtitibay ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan na naka-angkla sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Davao City Police Office

Leave a Reply